TALAARAWAN



Marso 02, 2020Ito ang itinakdang araw sa pag uumpisa sa pagbuo ng blog. Sa totoo lang, hindi naman bago sa akin ang mga ganito dahil ipinagawa na ito sa amin noong ako ay nasa senior high. Katulad noong una, masaya ako na may ganitong paraan upang makapag pahayag ng damdamin o saloobin sa isang bagay. Naalala ko noong nasa grade 5 ako, mahilig na talaga akong magsulat at ginagastusan talaga namin ang pagbili ng mga diary.Taon ring iyon, nahuli ako ng mama ko na may crush dahil nabasa niya ang diary ko hahaha nakakatawa alalahanin. Sa paglipas ng panahon, kung noon ay pagsusulat tungkol sa crush ko ang aking gawain, nais kong mabago ito ngayon. Mula sa pagsulat tungkol sa crush ngayon ay gagamitin ko ang pagsusulat upang maibahagi ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa iba. Sa pamamagitan nito, nais ko na mas makilala at maintindihan ko rin ang sarili ko bukod pa sa mga mambabasa nito kung meron man.Sa mga susunod pang araw, gagawin o ituturing ko itong talaarawan bilang isanh kaibigan na handang makinig at makita ang pagbabago sa aking buhay at sarili.Marso 03, 2020Pangalawang araw pa lamang ng linggo pero yung pagod ko parang isang linggo na. joke, oa lang ako hahaha pero sobrang productive nitong araw na 'to. School works pati na rin mga kailangan gawin at asikasuhin sa bahay. Ang hirap maging panganay noh? wala ata sa bokabularyo namin ang sumuko. Ganun naman siguro talaga, kailangan mo lang maging malakas para sa sarili at sa mga nagmamahal at umaasa sa 'yo.Malungkot man o Mahirap ang pinagdadaanan, patuloy pa rin lalaban para sa kinabukasan.Para sa aking pangarap at para sa aking pamilya.     Marso 04, 2020nakakapagod na araw, deadline na bukas ng gawain sa isang subject kaya puyat na naman para tapusin at maipasa agad. buti nalang talaga walang p.e bukas. pagod pero 'di susuko. Laban lang!Marso 05, 2020Ahhhhh tulooggg! buong araw ata akong inaantok ngayon kahit kakatulog ko lang 😂 buti nalang tapos na kami sa mga kailangan ipasa ngayong araw at natapos ko na rin ang reporting sa isang subject. Thank you Lord! malapit na matapos ang linggong ito. Marso 06, 2020yaaayyy!!! finally, natapos na din tong stressful na linggo 😂 masyado kaming napagod ngayong linggong to. Normal nalang naman yung ganito kapag nasa kolehiyo na pero nakakapagod lang din talaga, pero katulad nga ng lagi kong sinasabi "pahinga lang pero hindi susuko!" para sa pangarap. Marso 07, 2020Sobrang saya ng araw na 'to. after ilang weeks, ngayon lang ulit ako nakalabas or nakagala ng mag-isa. Narerelax lang talaga ako kapag ako lang mag-isa eh. mas comfortable lang talaga ako umalis mag-isa hahaha First time ko nanuod ng musical show at sobrang ganda at nakakabilib silang lahat kaya naman sobrang masaya ako dahil maganda rin ang storya ng palabas. Sulit ang bayad at sana sa susunod makanuod ulit ako ng ganoong klase ng palabas. dahil nakapag-relax na ako mag-isa, ready na ulit ako sumabak sa school works ,🤣 tinambakan kami ng gawain e, buti nalang puro reporting. bahala na si batman, basta aral na lang ako hahaha
Tabing Ilog the Musical


Marso 08, 2020 linggo na naman, ang bilis talaga ng araaaw. kanina after nstp, tumambay kami ng mga kaibigan ko sa milktea project. Sobrang random pero ang dami namin napag-usapan. lovelife,friends tsaka kung ano ang mangyayari sa amin after college and yung mga pangarap talaga namin. Ang saya lang talaga maging open sa mga kaibigan noh? sana lang pagdating ng araw, ganto pa din kami. masyado kasing nakakatakot yung mga mangyayari sa atin sa paglipas ng panahon. Paano kung malayo pala sa pangarap namin yung mga nakalaan sa amin? paano kung iba pala yung plano ni Lord sa buhay namin? pero kahit ano man yan, naniniwala kami na may magandang plano si Lord at sa tamang panahon, malalaman namin yung "calling" na para sa amin. Sa ngayon, ieenjoy muna namin itong tinatahak namin. Mahirap pero masaya na unang taon palang namin, marami na kaming natututunan. Looking forward sa mga susunod pang taon kasama ang mga taong ito. ❤Marso 09, 20202 subjects lang kami ngayon pero walang teacher kaya ang aga rin namin umuwi. Sa totoo lang, nakakatakot yung nangyayari ngayon. lumalala na ng lumala ang covid-19,pero parang napaka chill lang ng gobyerno lalo na ng presidente natin. Ang hirap magtiwala sa gobyerno ngayon kasi parang kulang na kulang ang mga aksyon na ginagawa nila. nakakalungkot pero kailangan natin maging matatag at maniwala sa plano ng panginoonMarso 10, 2020Suspended na ang pasok mula ngayon hanggang sa 14. hindi ko maramdaman ang saya dahil walang pasok katulad ng ibang studyante, puro takot at pangamba sa patuloy na paglaganap ng virus sa bansa. Mahigit 20 ang kinompirma nilang nag positibo ngayong araw. :( Sana lang matapos na ito. Marso 11, 2020As of now, 49 positive cases na ang meron dito sa Pilipinas. Nakakatakot talaga lalo na kapag may mga napapabalitang meron na daw dito malapit sa amin ang nag positive. Hindi naman kumpirmado ng barangay officials or what pero nakakatakot pa rin dahil hindi natin alam ang mga nakakasalamuha natin. Kanina nga namili na ako ng mga pagkain na tingin ko sasakto kahit isang linggo. Ang lala ng scenario kasi nakita ko kung paano nag papanic buying ang mga tao kaya nga ako, sinigurado ko na yung mga kailangan at sakto lang talaga yung binili ko. Mabuti na rin yung handa dahil hindi naman natin alam ang mangyayari sa mga susunod na araw. Isa lang naman ang araw araw na hiling ng lahat, sana matapos na itong nangyayari sa bansa natin at sa iba pa. Marso 12, 2020Sobrang lungkot lang ng nangyayari sa bansa. Sunod sunod na pangyayari, masyado nang mabigat sa totoo lang. Community Quarantine ang buong metro manila at suspendido na rin ang klase hanggang April 12. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng suspension sa class dahil sa kumakalat na virus. Sa totoo lang, nakakatakot talaga kahit hindi naman kailangan mag-panic sabi ng nakararami. Masisisi ba nila ang mga tao na nagpapanic? marami kasing pwedeng mangyari sa ganitong sitwasyon. hayyy, Hindi tama na isisi sa gobyerno ang nangyayari pero nakakalungkot lang talagang isipin na parang katuwaan lang sa presidente ang nangyayari sa bansa base doon sa mga sagot nya kanina.  Ang tanging hiling ko, sana matapos na itong kinahaharap ng lahat. Marso 13, 2020Ang hirap naman ng ganito,bukod sa school works na kailangan ipasa online, wala na ako magawa hahaha konting linis lang sa bahay tapos after nun wala na. Parang 'di sanay ang katawan ko sa ganito, masyadong napaaga ang bakasyon ng karamihan except sa amin syempre 😂 Dati kapag bakasyon ko, palagi akong busy dahil ang bakasyon sakin ay pagkakataon para kumita ng pera. Simula ata grade 7 ako, tuwing bakasyon tumutulong ako kela tita magtinda ng mga barbeque or ihaw-ihaw tapos bibigyan nya ako ng 50 everyday hanggang sa makaipon na ako ng pera. Simula rin nung grade 9 na bakasyon, dun ko naisip na parang lugi ako kung magtitinda lang ako kay tita tapos 50 lang makukuha ko araw-araw. Kaya naman naisip ko na magtinda ng mga turon at lumpia, ako lahat gumagawa non. gigising ng 6AM para mamalengke tapos ako din nagluluto at nagbabalot tsaka babantayan ko hanggang maubos na minsan aabutin pa ng 7 ng gabi bago ako makapahinga. Minsan naisip ko noon na bakit ko ba yun ginagawa? eh yung mama ko hindi naman pabor don dahil nagpapagod lang naman daw ako at kaya naman nya kami tustusan dahil nasa ibang bamsa sya nagtratrabaho para sa amin. Ilang beses na akong nakaramdam ng pagod at puyat pero dahil rin sa buhay na kinalakihan ko, natuto ako na pahalagahan ang mga bagay-bagay. Bata pa lamang ako noong umalis si mama sa bansa, alam ko naman na dahil may problema na talaga sila ni papa at hirap na kami sa buhay kaya nya naisip umalis ng bansa para magtrabaho. Dahil doon, sa murang edad namin ng mga kapatid ko, natuto na kami tumayo sa sarili naming mga paa. Yung kaunting kita ko tuwing bakasyon, iniipon ko dahil alam kong malaking tulong ito para kay mama na gumagastos ng pangangailangan namin. Sa kaunting kita ko, nakakabili ako ng kailangan ko sa pasukan ng hindi nanghihingi ng pera kay mama. Naalala ko nga noong grade 12 ako, sobrang pursigido ako magtinda dahil iniisip ko yung laki ng tuition fee ko dahil ako lang ang nag-private school samin tapos nung binibigyan na ako ng pera ni mama pang-bayad sa medical ko, sinabi ko sa kanya na ako nalang ang magbabayad dahil may ipon naman ako. Maliit na bagay pero ang saya saya sa pakiramdam na kahit paano may nagagawa ka para matulungan yung pamilya mo umangat, kaya nga hanggang ngayon na may part time work na ako, hinding hindi ko pababayaan ang pag-aaral ko dahil alam ko na ito lang yung tanging paraan para mas lalo pa akong umunlad at pagdating ng araw, mabigyan ko ng maayos at magandang buhay ang pamilya ko. Marso 14, 2020mamaya na ang umpisa ng Community quarantine sa buong metro manila, nakakalungkot isipin pero ito lang ang natatanging paraan para maiwasan ang pagkalat ng virus. Kahit na sinabi naman ng gobyerno na huwag mag-panic, hindi na nila ito maaalis sa atin dahil kada araw, mas lalo lang tumataas ang bilang ng positibo at nadadagdagan ang mga namamatay dahil dito.  Bukod pa dito, nahihirapan rin kami sa mga gawain sa online class. Hindi naman bago sa akin ang ganito pero masasabi ko ma mahirap talaga kumpara sa face to face na pag-aaral. Hindi lahat kaya makisabay, hindi lahat mayroong data o wifi. Siguro masasanay rin kami, mahigit isang buwan din namin itong mararanasan ito at kahit anong reklamo namin, susunod at susunod pa rin kami sa mga pinapagawa dahil balang araw, maaring maranasan rin namin ito kapag kami na ang naging guro. Marso 15, 2020takot at panic. ayan ang dalawang nararamdaman ng karamihan ngayon. Takot dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng mga nagpositibo sa virus at Panic dahil sa Community Quarantine na parang lockdown ang kinalabasan. Sana lang may maayos na plano na ang pamahalaan kasi sa totoo lang, isa rin sila sa nagiging dahilan kung bakit natatakot at nag-papanic ang mga tao. Para silang nag-groupings pero may mga kagrupo na hindi nakinig sa usapan kaya ang ending hindi sila nagkasundo-sundo. Wala naman tayong magagawa kundi manalangin nalang na sana matapos na lahat ng ito dahil masyado nang madami ang naaapektuhan. Marso 16, 2020Kung may ilang bagay man ako na natutunan sa nangyayari sa bansa natin, ito ay ang importante ang oras sa pamilya. Hindi natin alam kung ano ang plano ng diyos sa atin, hindi natin alam kung kailangan kukunin ang buhay na hiniram natin kaya naman susulitin ko ang pagkakataong ito na makasama ang mga kapatid ko. Sa kabila nito, nalulungkot rin ako sapagkat kahit na may community quarantine, hindi naman nasusunod ang mga ipinapatupad katulad na lamang ng social distancing. Kaninang umaga, bumungad sakin pagbukas ng social media ang mga larawan ng mga pasahero na hirap at nagsisiksikan pa rin sa mga bus o jeep. Ang sakit isipin na may mga taong walang choice kundi magtrabaho kahit na alam nilang hindi safe dahil lang wala silang ipangtutustos sa kanilang pamilya kapag hindi sila kumilos. nakakalungkot, sobra. Ito ang mga bagay na dapat pagisipan mabuti ng gobyerno dahil bawat desisyon na gagawin nila, may nga taong mag-susuffer kapag hindi napagisipan ng mabuti. Marso 17, 2020May mga araw talaga na malungkot na nga yung nangyayari sa paligid mo tapos makakaramdam ka rin ng lungkot sa sarili mo.   Minsan napapatanong ako sa sarili kung deserve ko ba lahat ng nangyayari sa buhay ko, parang puro mali nalang kasi ang nagagawa ko. Ano kaya ang pakiramdam ng paborito ka ng mga tao? Ano ang pakiramdam na may mga taong nageefort para sayo. Mali naman kasi itong nararamdaman ko, mali ang mainggit lalo na kung sa kapatid. Sana ako rin, sana mapansin rin nila yung mga ginagawa ko para sa kanila. Sana kahit minsan, maramdaman ko na ako yung paborito. Nakakapagod na rin kasi na parang simula namulat ako sa mundo, ako lang ang naniwala sa sarili ko. Nasanay nalang ako na sa ganitong panahon, sarili ko lang din ang napaglalabasan ko ng nararamdaman. Masakit, pero wala e. sanay na ako dito. Matatapos rin 'to, kakayanin ko lahat ng problema para pagdating ng panahon, baka sakaling maramdaman ko na proud sila sa akin. Marso 18, 2020Pangatlong araw na ng community quarantine, pero pakiramdam ko isang buwan na ang lumipas. Unti unti na rin akong nasasanay sa katahimikan, ok naman e. so far, may nakakain pa naman kami 🤣 Siguro ngayon, ok pa kami pero sa mga susunod na araw kamusta kaya ang buhay namin lalo na ng mga taong walang wala talaga? Nakakapagod na rin punahin ang gobyerno. Ang daming kamalian  pero hindi nila nakikita. hayyyy, sana matapos na ang lahat ng ito. Habang tumatagal, mas marami na ang naaapektuhan. patuloy rin ang pagtaas ng kaso ng mga positibo pati na rin ang mga namamatay. Kailangan lang talaga ay alagaan ang sarili upang makaiwas dito, sana lang sa susunod na araw, magkaroon na ng maayos na plano ang gobyerno para sa mga naapektuhan dahil wala namang may gusto ng mga nangyayari sa atin.Marso 19, 2020sa ganitong panahon ko mas lalong namimiss si mama. hayyy, ang hirap naman nito. Si papa ilang araw na hindi umuuwi haha sanay naman na kami pero minsan nagaalala pa rin ako, sana lang ok sya kasama yung ano 😅  dati masaya naman kami eh, palagi kaming nagsisimba tuwing linggo, kumakain sa labas buong pamilya hanggang sa isang araw, wala na. hayyyy nakakapagod talaga yung ganto hahahaha nakakapagod din malungkot sa paulit ulit na dahilan. wala naman na akong choice e, kailangan ko nalang talagang taggapin na ito na yung buhay na meron ako. Marso 20, 2020Wala akong ginawa ngayon kundi matulog dahil wala kaming wifi. hindi daw nakapagbayad ng wifi sila tito hhaha nakikiconnect lang kasi kami kaya naman no choice ako kundi magpaload dahil may kailangan ipasa ngayong araw sa isang subject namin. Sana matapos na 'to kasi nahihirapan din talaga ako sa ganito at mas lalo naman yung isa naming kaibigan dahil wala syang cellphone kaya naman hangga't maari, tinutulong namin sya sa mga kailangang ipasa. Sobrang swerte nalang din talaga ako sa mga kaibigan ko dahil puro man kami kalokohan, pagdating sa school works seryoso kami at nagtutulungan. Marso 21, 2020Sa ganitong panahon, ang hirap ng wala kang wifi o data. hindi lang dahil may mga kailangan ipasa online kundi dahil ito yung panahon na mas nakakapag usap kami nila mama dahil nga nagaalala sya sa amin dito kaso dahil walang wifi o data, hanggang chat lang muna kami. Wala naman kaming magagawa kundi magtiis at mag-ingat nalang para hindi sya magalala. Sana matapos na talaga ito.Marso 22, 2020Ito talaga ang best part sa nangyayari ngayon eh, nakakapag usap at bonding kayo ng pamilya nyo. Kanina naguusap lang kami nila tita tungkol sa buhay buhay namin tapos nagluto ng konting meryenda. Masaya lang kami kanina pero alam ko na pare-parehas kaming nakakaramdam ng takot at lungkot dahil sa nangyayari sa bansa. naguusap kami kanina sa mga plano namin ngayong bakasyon na hindi natuloy. Nakakahinayang pero alam naman namin na may tamang oras para dito. Kapag okay na ang lahat, makakapasyal na rin ulit kami. Marso 23, 2020kanina andito ulit sila tita, ang saya saya ng puso ko. masaya ako kasi kahit paano hindi ko naiisip na wala kaming magulang na kasama dahil andyan sila para alalayan kami sa mga ginagawa namin tapos nung naguusap sila, napagusapan nila kung paano kami lumaki ng walang kasamang magulang pero kahit na ganun ang sitwasyon, hindi kami nagrebelde o gumawa ng mga bagay na hindi maganda. May pinsan kasi kami na hindi talaga ok yung mga ginagawa nila, may bisyo, hindi nakatapos ng pagaaral o kaya naman hindi sineseryoso ang pag-aaral. Kumpleto ang pamilya nila pero ganon sila, naging problema sila ng magulang nila. Tinanong nga kami nila tita kung paano namin kinaya e, kung naisip ba namin na mag rebelde nalang kasi daw sa totoo lang, ganun yung ibang bata ngayon kapag walang kasamang magulang. Una palang, naiintindihan ko ang pangangailangan ng pamilya namin at isa sa mga dahilan kung bakit ganito ay dahil kahit malayo si mama sa amin, hindi nya pinaramdam samin na wala kaming magulang. Kami ng mga kapatid ko, palaging sinasabi na balang araw magiging maayos din ang buhay namin at mangyayari lang yon kung magiging mabuting tao kami. Kagustuhan namin ang maging mabuti kahit na minsan napapaligiran kami ng hindi maganda o mga tukso. Bilang isang ate, kailangan na maging maayos ako sa lahat ng aspeto dahil ako ang gumagabay sa mga kapatid ko, kung magrerebelde ako baka maging ganun rin sila at hindi ko kaya yon. Ang Pamilya ko ang pinaka inspirasyon ko upang maging matagumpay sa hinaharap.Marso 24, 2020Noong Sabado sana ang Prom ng kapatid ko ngunit hindi nga ito tuloy dahil sa virus na kumakalat. Nakita ko kung gaano sya ka-excited at ganun din nung nalungkot sya dahil next year na nya ito mararanasan, kaya naman bilang ate, gumawa ako ng paraan para gumaan ang pakiramdam nya. Inayusan ko sya at minake-upan hahaha tuwang tuwa sya kasi nya minsan lang sya maging maganda 🤣 eh ang totoo, sya ang pinaka maganda sa aming magkakapatid hahaha habang inaayusan ko din sya, nag vivideoke kami ng nga kapatid ko. Ang saya, sana laging ganto lang ang buhay. Marso 25, 2020Patuloy na tumataas ang bilang ng mga positive cases, nakakalungkot talaga at nakakagalit rin ang ginawa ng isang senator, ipinahamak nya ang mga doctor at nurses sa ginawa nya. Ang isa pang nakakagalit ay kung paano protektahan ng gobyerno ang senador na ito pero kapag isang normal na tao ay baka nakulong na ito. Paano nila nasisikmura ang ganito, pag ang tao ay may pangangailangan hindi nila maibigay pero kapag ang mga nakakataas, sobra nilang protektahan. Hay jusko, sana matapos na ito at sana sa susunod na botohan,maayos na ang mga nakaupo sa gobyerno. Marso 26, 2020It's been weeks simula umuwi si papa dito sa amin pero ngayong araw, nag chat sya at kinamusta kami. Sa totoo lang sanay na kami na hindi sya kasama pero ang gumaan ang pakiramdam ko nung nagchat sya, kahit na simpleng kumain na kayo at uminom ng vitamins lang ang sinabi nya. Ok naman kami ng mga kapatid ko e, isipin ko nalang na malaki ang tiwala nya sa amin kaya mas pinili nya ang iba na makasama sa ganitong panahon. Nakakatampo pero sabi ko, sanay na ako. Ok na rin siguro ng ganito ang importante ok kaming lahat. Marso 27, 2020Malapit na ang kaarawan ko. sa dami ng plano ko, wala ni isa ang matutuloy. nakakalungkot pero kailangan maging safe. Marso 28, 2020Nanuod lang naman ako ng mga documentaries at vlog ngayong araw. Marso 29, 2020Sana matapos na ito. Marso 30, 2020Sabi sa balita kanina bandang alas kwatro daw magsasalit ulit ang pangulo pero umabot ng 10PM wala pa din. Napakahirap mabuhay sa bansa natin kung may mga ganito tayong klase ng gobyerno. Sa krisis na kinahaharap natin ngayon, tingin ko mahihirapan talaga tayo makaahon dahil parang mga kapwa Pilipino lang ang nagtutulungan at napakaliit ng nagagawa ng Pangulo para sa ating mga nasasakupan nya. Nabubuhay tayo ngayon dahil sa tulong ng mga kapwa natin, parang mas marami pa silang nagawa o naitulong e. Akala ko rin kanina na may magandang plano na ang pangulo para sa bansa pero ang sinabi lang niya na swerte ang mga health workers na namatay para sa bayan. Nakakagalit dahil sa totoo lang, kung maagang naaksyunan at hindi kulang sa kagamitan baka itong mga health workers na namatay ay may pagkakataon pang mabuhay at magsilbi pang muli sa bayan. Unti-unti na akong nawawalan ng tiwala sa gobyerno, minsan wala na din sa atin ang problema, tumingin sa mga nakakataas baka nasa kanila ang pinaka malaking problema. Marso 31, 2020Huling araw na ng buwan. Sana lang matapos na ito, gusto ko mag simula ng maayos. Wala namang ginagawa pero napapagod ako sa mga nakikita ko. Gusto ko nalang bumalik ulit sa normal na ayos ng buhay. Abril 01, 2020Birth month ko 'to. Sinusubukan kong umpisahan ito ng masaya kahit na ganito ang sitwasyon pero nasasaktan ako, nalulungkot ako para sa mga taong kailangan pa mag makaawa pa sa gobyerno para lang may makain sila. Habang pinapanuod itong video ng interbyu sa isang nanay, naiiyak ako. nakita ko yung hirap nila dahil wala na silang makain tapos huhulihin pa yung asawa nya. ang sakit sakit ng puso ko para sa kanila, gusto kong tumulong kaso umaasa lang din ako sa pera na ipinapadala ni mama. Sana matapos na ito, sana makita ng gobyerno ang pangangailangan ng bawat isang pamilya at makita nila na hindi lahat ay nabibigyan ng tulong. Gutom sila at sinusubukan maghanap ng paraan at tulong kaya nila nagawa ito, hindi sila dapat ikulong dahil lang sa kagustuhan mapakain ang kanilang pamilya. Maayos na sana ang nangyayari sa mundo, kahit ito nalang ang hiling ko sa kaarawan ko. Pagod na ako makakita ng mga umiiyak at nagmamakaawa na bigyan sila ng tulong. Abril 02, 2020gusto ko munang mag pahinga sa social media, sobrang naapektuhan ako sa nangyayari sa bansa at sa mga nakikita ko sa social media. Madami na ang nakakakita ng kamalian ng gobyerno pero ang nasa taas walang ginawa kundi sabihin na hindi sya takot sa patayin at hindi mag dadalawang isip na ipakulong ang mga mangugulo at kung gusto ng gulo, guguluhin nya ang bayan natin. gusto ko mag mura pero sinusubukan kong kumalma, paano magiging maayos ang bansa kung ganitong klasw ng gobyerno ang meron tayo? Gutom ang mga tao pero ang pinagbibigyan ng pansin. Hayyyy lord, kayo na po ang bahala sa mangyayari sa amin.Abril 03, 2020Malungkot na naman ako, after ilang months ngayon ko lang ulit nakausap yung kaibigan ko na itinuring ko na rin bilang isang ate. Malaki ang naitulong ni ate sakin  sa paglaki ko, Kahit nagtrabaho sya sa ibang bansa ng mahigit dalawang taon, hindi sya nakakalimot sa mga birthdays namin at occassion. Masaya ako kasi nakausap ko ulit sya pero malungkot at nag aalala dahil ang trabaho nya ay med tech. Kwinento nya sakin na mayroon syang hawak na positive sa covid at hirap sila sa mga gamit tulad ng ppe's, mask, face shield at eye protection. Nalulungkot kasi nag message sya para sabihin na magiingat kami at iba pang paalala para makaiwas sa virus samantalang sya dapat yung sinasabihan ko nun dahil alam kong mas delikado ang kalagayan nya. Malaki ang pasasalamat ko sa mga katulad ni ate at sa iba pang frontliners dahil kung wala sila, mas magiging mahirap ang sitwasyon nating lahat. Sana talaga mabigyan na ng solusyon ito ng gobyerno dahil ito ang pinaka importante ngayon para hindi mapahamak ang mga frontliners. Ibigay ang sapat na kagamitan sa kanila dahil parang mas bininigyan pansin ng presidente ang ibang bagay katulad ni Chel Diokno pero walang say kay Koko Pimentel na ipinahamak ang maraming tao. tigilan na ang pagbubulag-bulagan, kitang kita na ng mga Pilipino ang kapalpakan ng gobyerno. April 04, 2020sobrang toxic sa facebook at twitter ngayon, naaapektuhan ako sa nga nangyayari kaya naman naisip ko na magpahinga muna sa paggamiy nito. Nag deactivate ako ng account sa fb at twitter, sana kayanin ko kahit 3 days lang since malapit na din ang birthday ko. Naisip ko kasi na mas lalo lang ako mahihirapan kung patuloy akong gagamit ng social media, mas lalo akong maaapektuhan. Sana matapos na ito, masyado nang maraming nangyari. April 05, 2020First day ng hindi ko paggamit ng social media. So far, so good. kaya ko naman pala. Isang araw palang pero nakikita ko kung gaano talaga kalaki ang epekto ng social media sa mental health ng isang tao. Nababawasan ang iniisip ko ngayon dahil simula nagstart ang quarantine napansin ko na ang lala ng anxiety ko kaya ngayon medyo naging okay ako. Abril 06, 20202nd day na, okay naman ako kanina pero napansin ko na tuwing malapit na ang birthday ko, nalulungkot ako. Hindi ko rin alam kung bakit pero for almost 4 years, ganito lagi ang nafefeel ko kapag may occassions na mangyayari katulad ng birthday, pasko at bagong taon. ayoko ng nafefeel ko pero 'di ko maalis sa akin at ngayon naisip ko na after quarantine siguro magta-try ako na magconsult sa psychologist, natatakot ako para sa sarili ko. Dati ko pa to nararamdaman, minsan nalulungkot ako ng hindi ko alam yung dahilan, minsan lumalayo ako sa mga kaibigan ko at hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila yung reason ko dahil ako mismo di ko maintindihan yung sarili ko. Nung shs ako, may counselor kami sa school and nakita ko yung magandang epekto nun sakin kaya naisip ko why not try again ngayon.   Ayoko na ng ganitong pakiramdam, gusto ko nalang makawala sa ganto. Abril 07, 2020halos lahat ata ng tao sa bahay nagplaplano sa kung paano namin ice-celebrate ang birthday namin 😅 ako rin eh, gusto ko rin maging masaya sa araw na iyon. Huwebes santo rin ang araw ng birthday namin kaya mas lalong limitado ang mga pwedeng gawin pero gagawin naming masaya lang ang araw na 'yon. Abril 08, 2020birthday na namin bukas hahahah grabe, parang last year lang sobra akong stress sa kakahanap ng supplier at venue sa debut namin tas ngayon 19 na ako. Naging masaya at maayos ako noon kaya sana, tuloy tuloy hanggang ngayon. Ngayong 19 na ako, marami akong plano para sa sarili ko at sa pamilya ko at habang patanda ng patanda, mas lalong lumalaki yung responsibilidad mo sa lahat. Hiling ko lang para sa sarili ko ay sana magawa ko ng maayos lahat ng dapat gawin, sa kabila nito, gusto ko rin i-enjoy lahat ng bagay na gagawin ko. Advance happy birthday to me! 😂Abril 09, 2020Birthday ko ngayon pero umiiyak ako hahaha grabe akala ko ok eh kaso hindi, palagi nalang hindi ok pagdating sakin. Sana makita niya na ginagawa ko lagi yung best ko kasi alam ko na mababa ang tingin nya sakin, ang sakit sakit lang na kahit mismong araw ng birthday ko 'di nya pinatawad, sana ibinigay nya nalang muna to sakin. Huli na 'to, hindi ko na talaga kaya dito. Abril 10, 2020lungkot. wala akong ibang maramdaman ngayon kundi lungkot. Wala akong makausap, hindi ko alam pero parang nagtatampo sakin ang bestfriend ko? idk why. Eh parang dapat ako yung magtampo dahil i tried telling her about my problem, yung nangyari kahapon at dahilan bat ako umiiyak sa araw ng birthday ko pero hindi nya ako nireplyan at sineen lang hahaha nakakatawa na ganito lagi pero pag sila, ni hindi ko na alam gagawin ko para lang gumaan pakiramdam nila. hindi ko na talaga alam, ang hirap hirap.Abril 11, 2020Medyo madaming kailangan ipasa kapag natapos itong quarantine, good thing may naumpisahan na ako hahaha magandang gawin rin to para maiwasan magisip ng hindi magaganda. nakakamiss pala ang magaral pati ang pumasok sa school 😅Abril 12, 2020dinala si tita ngayon dahil parang may spotting daw sya, lahat kami excited na manganak sya dahil may bagong baby na ang pamilya at dahil na rin sa nangyari last year na namatay ang bunso nya dapat. Sana maging maayos lahat hanggang sa makapanganak sya 🙏Abril 13, 2020Magsasalita raw ulit si President Duterte mamaya pero for sure madaling araw na naman yon 🤣 sa totoo lang, ayoko na muna makinig yun dahil nakakagalit lang rin dahil wala namang aksyon na sinasabi. nakakapagod pakinggan ang pauliy ulit at wala pa nagagawa. Sana lang matapos na ito at maging maayos na ang lahat.Abril 14, 2020Last year, isa ito sa mga pinaka espesyal na araw dahil sa araw na ito ginanap ang masasabi kong pinaka pinag-gastusan at engradeng birthday namin ng kambal ko 😅 Ngayong araw naging espesyal ulit dahil mayroon na namang nadagdag sa pamilya namin. Nanganak na si tita kaninang umaga at thank you Lord dahil healthy si baby. We can't wait to meet the baby. ❤Abril 15, 2020Simula talaga ECQ ang gulo na ng oras ng tulog ko hahaha pero kanina yung bestfriend ko may isang bagay na gustong gusto bilhin but hindi nya mabili, as a bestfriend syempre gusto ko lang na masaya sya kaya ako na ang nag-order kahit na paubos na ipon ko 😅  it feels good, yung thank you lang masaya na ako, yung kwento nya lang na kung gaano nya kagusto yung bagay na yun simula last year tapos ako yung nagbigay sa kanya non masaya na talaga ako. Masaya ako kapag may naibibigay o napapasaya ko yung mga kaibigan o pamilya ko pero at the same time, may tampo pa rin ako sa best friend ko. Lilipas rin naman 'tong tampo na ito, syempre si mikee ako eh, ang rupok ko kaya sa mga kaibigan ko na kahit minsan parang hindi na tama hahaha hayyy ok na yun atleast masaya ang bestfriend ko. Abril 16, 2020Kausap namin si mama tapos nagpaparinig sya tungkol sa birthday nya. Simula pinanganak nya kami, wala pa kaming naibibigay sa kanya ng mga kapatid ko kung meron man, letter at cake lang 😅 hindi maman required pero special 'tong birthday at mother's day ngayon dahil may gift kami kay mama at pinagipunan namin 'to ng mga kapatid ko. Akala nya ata niloloko namin sya kanina na may regalo kami sa kanya dahil sabi nya baka umasa lang daw sya 🤣 alam ko naman na matutuwa si mama sa gift namin sa kanya kasi personalized yun. Lagi sinasabi ni mama sa amin dati na yung makita na masaya kami at may magagandang grades ay regalo na para sa kanya pero para sa amin, deserve nya mabigyan ng regalo dahil sa dami ng sinakripisyo nya para sa amin. Balang araw, mas higit pa dito yung ibibigay ko, namin ng mga kapatid ko. Naiimagine ko na yung reaction ni mama sa gift namin, yung malaking ngiti nya kapag nakita nya yung nakalagay don. Yung regalong pinili namin is something na kahit nasa ibang bansa sya, parang kasama nya lang kami sa lahat ng paghihirap nya dun. Excited na talaga ako 🤩Abril 17, 2020Nakauwi na yung baby nila tita at dito sila matutulog sa bahay ngayon dahil 'di pa tapos ayusin yung kwarto nila. sobrang happy ng puso ko kasi kahit paano, may kasama kami ngayon sa bahay 😅 isang buwan na rin na puro kaming apat ng mga kapatid ko ang nandito hahaha sobrang cute pa ni baby Jayden, excited na ulit ako magkaroon ng inaanak 🤣 Abril 18, 2020nagtatampo si mama kanina kasi hindi siya kinakausap ng mga kapatid ko dahil napagalitan ko, ayoko naman gawin yun pero ayoko rin na lumaki yung mga kapatid ko na hindi natututo kung ano ang mga bagay na mali. ayoko rin na isipin nila na okay lang yung di nila kinakausap si mama kapag ganon. Kung kinakailangan na ilayo sila sa mga phone nila para makinig at malaman nila na mali yung ginawa nila, gagawin ko. buti nalang rin nag-sorry sila kay mama after nun. Wala si mama simula palang grade 5 na ako at halos nasa kinder at ilang taon palang ang mga kapatid ko, wala si mama habang lumalaki kami pero hindi ibig sabihin nun napabayaan nya na kami. kahit malayo sya, palagi nya kaming pinapaalalahan ng tama at mali ng kambal ko kaya naman ngayon na kaya na namin na pangaralan yung mga kapatid namin, gagawin namin dahil ayun ang tinuro samin ni mama. Sabi ko nga sa mga kapatid ko kanina, marami nang sinakripisyo si mama para sa amin. Abril 19, 2020Miss ko na mga tropa ko, halos isang buwan na 'tong quarantine tapos puro chat lang kami 😩 pero sa totoo lang, sa 5 years naming magkakaibigan, hindi naman ito yung pinaka matagal na hindi namin pagtambay hahaha dati may mga times na dahil sa sobrang busy talaga, Umaabot ng ilang months bago kami magkita. Mas naramdaman ko lang yung pagkamiss ko sa kanila ngayon dahil nag bonding kami sa online games hahaha Miss ko na ang tambay at foodtrip kasama sila. Abril 20, 2020naisip ko lang bigla na simula nung nag deactivate ako ng social media, natuto na ako ihandle yung mga nangyayari sa paligid ko na makakaapekto sakin. Mas nagkaroon ako ng time magisip sa sarili ko, mas tutok ako sa mga kapatid ko. it feels good, unti unti natututo ako ng mga bagay bagay. Alam ko pa rin naman ang nangyayari sa bansa pero natuto lang ako pahalagahan yung mental health ko kaya iniiwasan ko rin talaga. Sana lang matapos na talaga ito.Abril 21, 2020sobrang gusto ko na magstart gumawa ng school works sa totoo lang pero hindi ko alam, parang hindi kaya gumana ng utak ko. Gusto ko nalang matapos 'to.Abril 22, 2020ang sakit ng puso ko, hindi ko kaya mapanuod yung video na may binaril yung police. May tamang paraan para doon at marami ang sumisigaw na wala namang baril na dala yung lalaki at may sakit pa ito at dating militar rin. Sobrang lungkot, ang bigat bigat sa pakiramdam na makita yon.Abril 23, 2020bukas daw magsasalita ang pangulo kung maeextend na naman ang quarantine. sa tingin ko nga hindi 'to matatapos at matuloy lang tataas kung hindi mag lolockdown. Lahat naman apektado. Sana rin may maayos at pang matagalan na plano na ang gobyerno sa pandemyang ito. Marami ang sa kanila nalang umaasa dahil walang wala na. Lahat naman gustong matapos na ito.Abril 24, 2020Extended na naman ang quarantine, good thing tumataas rin ang bilang ng mga recoveries araw araw. Sana lang, unti unti na rin mabawasan ang nag-popositive para sana sa susunod, ma-lift na ang ECQ.Abril 25, 2020buong araw lang naman ako nanuod ngayon ng kdrama 😂 last na nuod ko ng ganito noon grade 11 pa ako, di na nasundan kasi sobrang busy sa school. kakamiss din yung ganito hahahaAbril 26, 2020Natapos ko yung pinapanuod ko kahapon tapos masaya naman yung story pero umiiyak ako hahaha kasi naman, basta maganda 😂Abril 27, 2020Busy day todaaayy pero isa ito sa mga araw na lagi kong ni-lolook forward dahil tuwing monday yung parang Family day namin ng mga kapatid ko 😂 simula nagkaroon ng ECQ, kami na rin ang naglalaba ng damit namin dahil yung tita talaga namin ang naglalaba pero dahil nanganak na ito kami nalang muna. Sa totoo lang, kami ng kambal ko kaya naman namin dahil noon, kami lang naman talaga pero good thing na gusto tumulong ng mga kapatid namin kaya ang ending, kanya kanyang gawain kami sa paglalaba. tuwang monday lang din kami nagkakasabay gumising, pati pagkain dahil nga iba iba ang oras ng tulog at gising namin sa normal na araw. Ito siguro yung good side ng ECQ, mahabang oras kasama ang pamilya ko na dati, magkakasama nga kami sa bahay pero parang malayo kami sa isa't isa.Abril 28, 2020Trust your People and yourselfFamily and FriendsDreamsHappinessForgivenessSobrang simple lang ng mga salitang 'yan pero may malalim na kahulugan. Salamat, Itaewon Class. Tunay ngang worth it ka pagpuyatan 🤣 Ito na rin siguro ang paborito kong K-drama kahit na hindi naman talaga ako mahilig dito.Abril 29, 2020Last year, ito yung araw na sobrang excited ako dahil may trip to baguio kami kasama sila tita pati mga kapatid ko. Ayun yung unang beses na itreat namin ng kambal ko yung dalawang kapatid namin. memorable dahil una, pera namin ang gamit (salamat sa 18 blue bills nung debut 🤣 ++ ang orig plan talaga is lahat ng pera na makukuha namin is ibibigay namij kay mama dahil ang laki talaga ng gastos sa debut pero it turns out na dineposit ni mama yung pera bank account ko & sinabi kela tita na isama kami sa baguio para atleast maitreat namin sarili namin. sayang nga dahil kung may mas mahabang oras si mama dito sa bansa, kami sana yung magkakasama non. ) sobra rin akong na-refresh after non, ang sarap sa pakiramdam lalo na dahil sobrang stress sa school that time dahil finals week yon. ayun din yung unang pagkakataon na umalis kami na malayo talaga ang byahe 🤣 simula rin non, sabi ko kela tita dapat taon taon na may namin gawin yun. sayang lang dahil hindi nasundan ngayon. Naniniwala pa rin ako na magiging maayos at babalik na sa normal ang lahat sa tamang panahon. Sa oras rin na yon, baka pwede na masundan ang baguio trip namin. Lezzgo Bicol!!! 😂April 30, 2020sobrang happy ako sa tuwing nakakakita ng vids ng mga umiiyak dahil nakapasa sila sa board exam. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na balang araw, gusto ko rin maranasan maiyak sa sobrang tuwa dahil abot kamay ko na yung pangarap ko at ng mama ko dahil alam ko na may pag aalinlangan si mama sa course na kinuha ko pero sinusuportahan nya ako at ang makapasa sa LET exam ang isa sa mga pinaka magandang regalo na maibibigay ko sa kanya. Excited na ako para sa mga susunod pang taon na lalakbayin ko. Mahirap pero para sa pangarap, kakayanin!Mayo 1, 2020napakabilis ng pangyayari, panibagong buwan na naman. sana lang maging maayos na ang lahat sa buwan na ito. masyadong mabigat ang mga nakalipas na buwan.Mayo 2, 2020Wala namang nangyari sa araw ko ngayon bukod sa namalengke ako kaninang umaga para sa pagkain namin ng 1 week tapos nung hapon natulog lang ako hanggang sa gabi na 😂Mayo 3, 2020Pagkagising ko, bumungad sakin yung message ng dati kong bestfriend. Sabi nya, yung nararamdaman daw nya nung nabasa nya yung sulat 2 years ago, ganon pa din ang nararamdaman nya ngayon dahil hindi naman daw ako nagbago. Ang sakit lang kasi ako alam ko sa sarili ko na ang laki ng pagbabago ko at mas naging maayos ako ngayon. Parang sinabi nya rin na ako pa rin yung dahilan kung bakit nasira yung pagkakaibigan namin hahaha 2 years ago na, pero di nya pa rin nakita yung mali nya? nakakapagod. hahayaan ko nalang sya kung ano yung gusto nya isipin at hindi na rin ako aasa na mababalik pa yung pagkakaibigan namin.Mayo 04, 2020Sobrang curious ko talaga dun sa the world of the married couple na kdrama kaya pinanuod ko. nakakainis dapat yung scene pero umiiyak ako, naiisip ko lang yung pinagdaanan ni mama noong nalaman rin nya na may babae si papa. Siguro ngayon, tanggap na ng buong pamilya yung nangyari pero ako, napagiiwanan ako dahil galit pa rin ako. Minsan kapag napaguusapan namin ni mama, lagi nyang sinasabi na tanggapin ko nalang pati yung may kapatid kami sa iba. Naiinis ako kay mama dahil kahit nasaktan sya, mabait pa din sya doon. May bago na rin naman si mama at tanggap ko rin yun. Malaking epekto rin siguro yung nakausap ko muna yung bago ni mama bago maging sila kaya ngayon, alam ko naman na kailangan ko na rin tanggapin na may kapatid pa kami, pero gusto ko lang rin naman na makausap yung babae ni papa bago ko tanggapin ng buo. Gusto ko lang malaman kung bakit at paano nya kinayana kumabit sa may asawa na. joke 😂 hindi ko rin alam bakit gusto ko makausap pero tingin ko ayun yung natatanging paraan para tuluyan na mawala tong nararamdaman kong galit sa babae na yun at kay papa. Susubukan ko, kakayanin ko kahit masakit.Mayo 05, 2020simula nag ecq, ngayon lang ulit ako nakalabas na malayo sa bahay namin 🤣 nagpunta kami sa prc at puregold makati dahil bumili kami ng kama. paguwi ko, naabutan ko si papa at ang saya ko na makita sya ngayon dito. pagbukas naman ng social media, bumungad sakin ang pagpapatigil ng operasyon ng abs-cbn, masakit sa puso dahil malaki ang naging parte nito sa buhay ko. Maraming beses akong napasaya nito dahil sa mga iniidolo ko. Bukod pa roon, nakita ko kung gaano karami ang mga nagtra-trabaho dito. Sa gitna ng pandemya, walang magandang dulot ang pagpapatigil sa operasyon neto dahil marami ang naapektuhan na nangangailangan rin. Sa usapin ng pagpapahayag, malaki rin ang epekto nito dahil maraming mamamayan ang umaasa na malaman ang katotohanan sa nagaganap sa ating bansa. sa desisyon nilang pagpapatigil ng operasyon, parang inalisan na rin nila ang mga Pilipino ng karapatan na malaman ang katotohanan at maglingkod sa bayan. Malaki ang sakop ng isyung ito pero isa lang ang sigurado ako, mas malakas ang taong bayan kesa sa gobyerno.Mayo 06, 2020Sa sobrang walang magawa, naglaro kami ng mobile legends ng mga kapatid at pinsan ko tapos sa sala rin kami lahat matutulog ngayon. Ang saya lang talaga ng mga ganitong araw.Mayo 07, 2020Masaya ako ngayon dahil mas lalo ko nakita kung gaano ako kaswerte sa pamilya na meron ako. Hiling ko lang ang maging successful para sa kanila. Bukod kay mama, ang mga tita ko talaga ang may malaking ambag sa buhay ko. Lahat ng pagkukulang ni papa, yung mga kapatid nya ang nagpunan non. Siguro dahil na rin sa dahil kami ang unang apo, sobrang spoiled namin kela mommy kaya hindi kami napapagalitan nila tita dahil sila ang papagalitan ni mommy at daddy 😂 Hayyy, kung andito lang sana si mommy at daddy mas kumpleto siguro 'tong saya na nararamdaman ko.Mayo 08, 2020May dalawang magandang bagay na nangyari sakin ngayon. Una, worth it ang pagpupuyat para maantay lang ang "Ang huling el bimbo:The musical". Wala akong masabi kundi ang ganda at ang galing. Pangalawa na ito sa Musical na napanuod ko at masasabi ko na iba talaga ang pakiramdam kapag sa live pero habang nanunuod ako kanina sa fb live nung huling el bimbo, nadadala pa rin nila ako. Ang ganda rin ng takbo ng istorya at nakikita rin dito ang ilan sa mga nangyayari sa ating bansa. Sobrang Worth it lang talaga! Pangalawa, Malapit na ang Mother's day pero si Mama ay may pa-surprise kela tita. Nagpaluto sya at may binigay sa mga tita namin. Sa totoo lang, Kami dapat ang may surpresa sa kanya na ipagluluto rin namin sya pero naunahan nya na naman kami. Si mama talaga magaling at mahilig mang-surprise. Balang araw, maibabalik rin namin yung kabutihan nya sa lahat. Sobrang idol ko talaga yung mama ko, Lahat na ata ng magagandang pwede idescribe sa isang tao, nasa kanya. Maswerte ako na sya ang mama ko.Mayo 09, 2020Thankful ako na may bestfriend ako na lagi kong nakakausap ngayon, hindi man ako makapag kwento ng problema pero masaya na ako sa halos araw-araw kaming magkausap kahit walang kwentang usapan or kahit panay asaran lang. Masaya ako sa mga kaibigan na meron ako, excited na ako na makasama muli sila pagtapos ng pandemyang ito.Mayo 10, 2020Araw ng mga ina ngayon, ang saya ko para sa pamilya na meron ako. katulad nga ng sabi ni tita sa facebook post nya, Kahit na maraming hindi pagkakaintindihan, tulong tulong pa rin para sa kasiyahan ng lahat. Sa kabila ng maagang nawalan ng magulang ang mga tita/tito at papa ko, Nanatili silang matatag at sama-sama dahil maayos silang pinalaki nila mommy at daddy.Mayo 11-13, 2020Sobrang busy this past few days pero at the same time, masaya ako. siguro karamihan sa sulat ko dito is tungkol sa pamilya ko lalo na sa mama ko, pero hindi ako magsasawa na magsulat para maipahayag kung gaano ko kamahal itong mama ko. Matagal naman nang nahinto itong pagpapaayos sa bahay namin dahil sa problema nila papa, pero ngayon halos tapos na yung kwarto namin. In 3 days, malaki na ang nagastos ni papa dahil sa mga kailangan bilhin at gawin pati yung mga request namin, pinapagawa nya. Sa tuwing kausap namin si mama, hindi ko nakakalimutan magpasalamat at magsabi na balang araw, ako naman ang magpapagawa ng bahay para sa kanya. Sobranh deserve lang ni mama ng maayos na buhay kapag tumanda na sya. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na hindi sya ang mama ko. Lagi nya ding sinasabi na magsabi lang kami basta para sa kailangan namin. Nahihiya na rin ako kay mama kaya pati yung maliit na ipon namin, isinama na namin sa pera nya. Pangako, balang araw maibabalik ko rin lahat ng ito kay mama.Mayo 14, 2020bukas na sana ang tapos ng ECQ pero alam ko naman na hindi ganun kadali ang lahat. Ang hirap dahil kahit alisin o baguhin ang tawag sa quarantine, patuloy pa rin mananaig ang takot dahil wala namang aksyon na ginagawa ang gobyerno para sa Mass testing. Ang hirap, Hindi natin alam kung ano pa ang mangyayari pagtapos nito.Mayo 15, 2020Masaya ako ngayon, unti-unti ko nang nakikita ang pinaghirapan ni mama. Halos patapos na ang kwarto namin. Hindi naman ito malaki o magarbong kwarto talaga, pero alam ko kasi na matagal na itong gusto ni mama pero maraming beses na hindi natuloy dahil sa hindi pagkakaintindihan nila ni papa. konti nalang, konti pa.Mayo 16, 2020Masaya ulit ako ngayon dahil may salo-salo na naman kami dito sa bahay. Makita ko lang na sama-sama kami ng pamilya kumain at nagtatawanan, masaya na ako.Mayo 17, 2020sobrang unpredictable talaga ng mangyayari sa araw natin ano? kahapon masaya ako, ngayon biglang parang ang lungkot na naman.Mayo 18, 2020first time kong maggupit ng buhok, natuwa naman ako sa kinalabasan kahit hindi pantay hahaha sobrang bored ko, ito ang nagawa ko ngayon 😂Mayo 19, 2020naisip ko lang kagabi na maswerte pa rin ako sa mga kaibigan ko dahil yung pamilya nila, tinuring rin akong parte ng pamilya nila. Sobrang close ko sila, nakakakwentuhan ko sila, nakakabiruan. Masaya lang sa puso yung ganito.Mayo 20, 2020wala naman masyadong nangyari sa araw ko, may nangtritrip lang sa akin sa telegram at sabihin ko raw "salamat, shopee" eh sa dami ng inorder ko dun, sila dapat mag-thank you HAHAHAHA JK may bangs na rin pala ako ngayon, 'di ko na 'to uulitin kasi ang sakit sa mata 😂Mayo 21, 2020Dumating na ang ayuda ni mayora!!! easy 5k ganon hahahah char pero sakto ang dating ha, nagpapaayos kasi kami ng cabinet at double deck kaya ibinigay namin lahat kay mama. sabi nga ni mama na magtulungan muna kami sa gastos ngayon dahil nga medyo malaki na ang gastos sa pagaayos ng kwarto. kahit naman hindi sabihin ni mama, tutulungan pa rin namin sya. Swerte nga lang talaga kami dahil buwan-buwan ay nakakapag-grocery kami ng stocks para sa buwan na iyon.Mayo 22, 2020May binili na naman akong something para sa bestfriend ko hahaha sabi ko, feeling ko ang wala kong kwentang besfriend kung wala akong gagawin para maging happy sya. Nakita ko kasi na matagal na nyang gusto bilhin iyon. Nung sinabi ko yun, nagalit sya kasi sobra sobra na daw ang ginawa ko para sa kanya kaya hindi ko raw dapat isipin yun. Parang bigla akong natats sa sinabi nya hahaha Masaya lang sa pakiramdam na naa-apreciate nya yung mga maliliit na bagay na ginagawa ko. 😩❤ Mababaw lang naman ang kaligayahan ko, makita ko lang sila na masaya, ok na rin ako.Mayo 23-24, 2020Miss ko na mga kaibigan ko. miss ko na rin kumain ng shanghai sa promenade. Miss ko na lumabas ng school tuwing break para kumain sa jollibee o sa mcdo. Miss ko na tumambay sa milktea project tuwing uwian pati na rin yung mga mababait na nagbabantay doon. Miss ko na mag surprise sa mga kaibigan ko tuwing may birthday. Miss ko na tumambay o matulog sa tapat ng 708 sa tuwing walang teacher o 'di kaya naman tuwing nagtitipid kami para hindi na kami bababa at hindi mapagastos. Miss ko na rin yung mga guro namin kahit na minsan hindi ko na maintindihan yung mga tinuturo nila sa hirap 😂 Nakakamiss ang rtu pati na rin ang mag-aral pero tingin ko, hindi madali ang mag-aral sa nangyayari ngayon. Ang hirap lang kung dadagdag pa sa iisipin ng mag-aaral kung paano gagawin yung mga proyekto na kailangan ipasa. Ang hirap lang talaga makisabay sa dami ng nangyayari ngayon.Mayo 25, 2020May dumating na good news kanina mula sa isang guro namin. Sobrang nakakabilib lang talaga si sir, siya yung klase ng guro na mahirap makipag-lokohan or asaran. Kapag oras ng klase, dare-daretso talaga minsan ang turo nya kaya minsan aaminin ko, inaantok ako sa klase nya. Sa kabila ng pagiging strikto nya, Ibang klase talaga siya magturo. Magaling si sir, malalim na tao, maraming alam sa tinuturo niya. Kaya naman mas lalo akong humanga kay sir ngayon na naiintindihan nya na hindi lahat ay may kakayahan ng flexible learning o online learning Kaya naman pinatigil nya na yung mga dapat naming gagawin pa. Hayyyy, matapos lang itong pandemyang ito, mas lalo kong pagbubutihan ang pag-aaral ko at sisiguraduhin ko na kapag ako na rin ang naging guro, hindi ko makakalimutan lahat ng mga aral sa buhay na natutunan ko sa panahong ito.Mayo 26, 2020Lumabas ako kanina para sana bumili ng almusal namin ng mga kapatid ko. Simula nag lockdown, ako lang lumalabas para bumili ng mga kailangan namin, palengke, groceries. Pero kanina rin nasita na ako ng mga nagbabantay sa checkpoint dahil hindi na raw pwede lumabas ang 21 years old pababa dahil mas lalo silang naghigpit dahil sa nalalapit na GCQ. Medyo nagalala lang ako dahil ang hirap at ayoko rin na umasa sa mga tita/tito namin sa pagpalengke. Hayy, ang hirap.Mayo 27, 2020ipinakita na namin kay mama yung regalo namin sa kanya. Sobrang saya ko kasi ang laki ng ngiti nya nung makita nya iyon. Iyon rin ang unang regalo namin kay mama. Ang Sarap sa pakiramdam na napasaya namin si mama sa simpleng regalo.Mayo 28, 2020idk kung ano ang nararamdaman ko ngayon, wala rin naman ganap sa akin ngayong araw.Hunyo 03, 2020Galit. ayan ang nararamdaman ng bawat Pilipino ngayong gabi. Nakakagalit nga naman talaga dahil sa totoo lang, unti -unti tayong inaalisan ng karapatan magpahayag ng ating saloobin o damdamin. Dahil sa panibagong batas, kahit isang simpleng mamamayan ay maaring makulong dahil lang sa nagpahayag sila ng hindi maganda sa gobyerno. Ang gulo ng mundo ngayon. Sa dami ng kailangan bigyan ng pansin, mas inuna pa ang pagpasa ng batas na ito. Kitang kita kung gaano katakot ang gobyerno sa mga Pilipino. Dahil sa pandemya, mas nakita kung gaano kasahol ang mga nakaupo ngayon sa gobyerno. Nakakapagod. Ayokong mawalan ng pag-asa na magiging maayos rin ang lahat. Sana sa susunod, maging aral ito sa lahat para matutong bumoto ng tama. x
x
x

No comments:

Post a Comment